|
||||||||
|
||
Ayon sa proklamasyong inilabas nitong Sabado, Abril 21, 2018, ng Organisation for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW), nakapasok na sa Bayang Duma ng Syria ang grupong tagapag-imbestiga nito upang siyasatin ang umano'y insidente ng "chemical weapons attack" doon.
Ayon sa nasabing proklamasyon, bumisita ang grupo sa isang lugar ng bayang Duma kung saan nakuha ang kaukulang sample ng umano'y naganap na "chemical weapons attack." Makaraang tasahin ng OPCW ang situwasyon, isasaalang-alang nito ang hakbangin sa susunod na yugto.
Anito pa, ihahatid ang nasabing sample sa lab ng OPCW sa Rijswijk, Holland para sa pag-a-analisa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |