IPINALIWANAG ni Sr. Patricia Anne Fox na ang kanyang pakikiisa sa mga magsasakang walang lupa at mga manggagawang walang seguridad sa kanilang hanapbuhay ay paghahatid lamang ng pakikiisa ng pananampalataya sa mga aba at mahihirap.
PAKIKIISA ANG KAILANGAN. Ayon kay Sr. Patricia Fox, ang pakikiisa sa mahihirap na magsasaka, manggagawa at mga katutubo ay inaasahan sa mga alagad ng Simbahan. Wala umanong labag sa batas sapagkat pinhahalagahan ng Simbahan ang kabutihan ng madla. (Roy Lagarde)
Ang Mabuting Balita para sa mga magsasakang walang lupa ay ang pakikiisa ng mga alagad ng simbahan tulad rin ng pakikiisa sa mga mangagawang walang katiyakan sa kanilang mga trabaho.
Ito umano ang misyon ng simbahan, ang makiisa at tumulong sa mga mahihirap, dagdag pa ng 71-taong gulang na misyonera mula sa Notre Dame of Sion.