Kamakailan, si Xi Jinping, Pangulo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangulo ng Tsina at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, ay nagbigay ng mahalagang instruksyon hinggil sa estratehiya ng pagpapaunlad ng kanayunan ng Tsina. Tinukoy niya na ang pagsasagawa ng estratehiya ng pagpapaunlad ng kanayunan ay mahalagang kautusan at kapasiyahan na ginawa ng Ika-19 Pambangsang Komperensiya ng Partido Komunista ng Tsina. Dapat lubos na malaman ang mahalagang katuturan ng pagpapaunlad ng kanayunan at gawing priyoridad ang estratehiya ng pagpapaunlad ng kanayunan. Tinukoy rin ni Li Keqiang, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista at Premiyer ng Tsina, na napakahalaga ng pagsasagawa ng estratehiya ng pagpapaunlad ng kanayunan.
Ngayong umaga, dito sa Beijing, idinaos ang Pulong sa Pagpapasulong ng Pagsasagawa ng Pagpapaunlad ng Kanayunan sa buong bansa. Lumahok sa naturang pulong si Hu Chunhua, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista at Puno ng Central Leading Group sa mga gawain ng kanayunan, at nagtalumpati siya sa pulong. Ipinahayag niyang dapat sundin ang patakaran ni Pangulong Xi at isakatuparan ang mga kongkretong aksyon para walang humpay na lumikha ng bagong progreso sa gawain ng pagpapaunlad ng kanayunan.
Salin:Sarah