Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Liangjiahe: mga panghabambuhay na kaibigan sa lugar na parang tahanan

(GMT+08:00) 2018-07-01 19:56:46       CRI


Ito ang unang episode ng literary non-fiction na pinamagatang Liangjiahe, kung saan mababakas ang pitong taong pamumuhay at pagtatrabaho ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng mga taga-nayon ng Liangjiahe, simula noong 1969.

Si Pangulong Xi, kasama ng mga taga-nayon ng Liangjiahe, lunsod ng Yan'an, Lalawigang Shaanxi sa dakong hilaga-kanluran ng Tsina, noong Pebrero 13, 2015. (File photo xinhua) 

Mga alas-11 ng umaga, Pebrero 13, 2015, tatlong bus ang tumigil sa labas ng tarangkahan ng Nayong Liangjiahe. Ilang pasahero ang bumaba mula sa bus at nagsadya sa nayon.

"Nagbalik si Jinping! "

Makaraang marinig ang sigaw, nagsitumakbo ang mga taga-nayon patungong tarangkahan.

Bumalik si Xi Jinping sa Liangjiahe, isang maliit na nayon na miss na miss niya at pinangarap niyang balikan. Apatnapung taon na ang nakaraan sapul nang umalis siya sa nasabing nayon.

Lubos na nananabik si Xi Jinping. Ito ang lugar kung saan pitong taon siyang namuhay at buong sikap na nagtrabaho. Araw-araw kasama niya ang mga taga-nayon. Lahat sila ay naaalala pa rin niya. Nakipagkamayan siya sa kanila, at ayaw nila siyang bitiwan. Dahil sa ukit ng panahon, naging kulubot ang balat ng magkakaibigan, pero, maaari pa rin silang tawagin ni Xi sa kanilang palayaw.

Ipinakilala ni Xi ang kanyang asawa na si Peng Liyuan sa mga taga-nayon.

"Ito ang aking kabiyak. Dinala ko siya rito para makilala ng aking mga kamag-anak."

Natuwa ng mga taga-nayon nang magsalita si Xi sa diyalektong lokal.

Nagkuwentuhan si Xi at mga taga-nayon.

"Kumusta ang inyong pamumuhay? " "Ano ang kinakain ninyo araw-araw?" "Kumusta ang mga matanda?" "Kumusta ang mga bata?" "Kumusta ang buhay sa pangkalahatan?" "Nakakakain ba kayo ng kanin?" "Nakakakain ba kayo ng karne?" Tanong ni Xi.

"Bumubuti ang pamumuhay." "Karaniwang harina ang pangunahin naming pagkain-butil, pero, nakakakain kami ng kanin at karne kailan man namin gustuhin." Sagot ng kanyang mga kaibigan.

Tuwang-tuwang nalaman ito ni Xi. "Masaya ako ngayong malaman ko na bumubuti ang pamumuhay ninyo," ani Xi.

Nakatayo sa gitna ng mga kaibigan, taos-pusong sinabi ni Xi na "Sabik na sabik akong bumalik dito. Ikinatutuwa kong makita kayong lahat. Noong Enero, 1969, yumapak ako sa Liangjiahe. Pitong taon akong nanatili rito. Kahit umalis na ako, kasama ninyo ako sa aking puso."

Ikinataba ng puso ng mga taga-nayon ang sabi ni Xi. Ang 85 taong gulang na si Liang Youchang ay hindi tumigil sa pagpalakpak habang pinapahid ang kanyang luha.

Sa pagtingin kay Liang, buong damdaming sinabi ni Xi na, "si Ginoong Liang ay senior member ng nayon. Lolo na siya. Mahigpit ang ugnayan ko sa Liangjiahe, kasi ko dito natutunan ang mga una kong leksyon bilang isang teenager. Dito ako nahalal bilang Party Secretary ng production brigade. Mula noon, nagpasiya akong gumawa ng mga bagay para sa ikinabubuti ng mga tao, kailanman may pagkakataon. Nakakintal din sa aking puso kung paano ninyo ako pinoprotektahan at inaalagaan. Naniniwala akong bubuti pa ang Liangjiahe. Inaasahan ko ring makita na ang mga bata rito ay maglilingkod sa mga mamamayan kapag lumaki sila."

Noong 1975, lumisan si Xi sa Liangjiahe. Ito ang kanyang ikalawang pagbalik sa nayong ito.

Noong Setyembre 27, 1993, sa kauna-unahang pagkakataon bumalik si Xi sa Liangjiahe. Noon, nanungkulan siya bilang pirmihang miyembro ng Fujian Provincial Party Committee, at Fuzhou Municipal Party Secretary. Bumisita siya sa bawat pamilya, at nangakong dadalhin ang kanyag asawa sa susunod na pagdalaw. Sabi niya sa lahat na, "kailangan nating lutasin ang ikinabubuhay. Kailangan din nating pabutihin ang edukasyon." Ibinigay niya ang alarm-clock sa bawat pamilya bilang regalo. Sa gayon, nasa panahong gigising ang mga bata at pumasok sa paaralan. Binigyan din niya ng tsaa ang mga taga-nayon.

Noong 2015 sa kanyang pangalawang pagbalik, ilang araw bago ang Spring Festival o Chinese New Year, binilhan niya ng bigas, harina, mantika, karne, at mga dekorasyong pambagong-taon ang mga taga-nayon. Ipinaabot din niya ang kanyang taos-pusong pagbati ng pinakamaligayang Spring Festival at mas marami pang masaganang taon.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>