Nagpadala ng mensaheng pambati, unang araw ng Hulyo, 2018, si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina sa pagdaraos ng ika-31 Summit ng Unyong Aprikano (AU) sa Nouakchott, Mauritania.
Tinukoy ni Xi na ang AU ay bandila ng pagkakaisa at pagsasarili ng Aprika. Ang AU ay aktibong nagpapasulong ng integrasyon ng Aprika, at patuloy na tumataas ang kakayahan ng Aprika sa pangangalaga ng kapayapaan at seguridad, ani Xi. Umaasa aniya siyang walang humpay na matatamo ng mga bansang Aprikano ang mas malaking bunga sa ilalim ng patnubay ng AU.
salin:Lele