SINABI ni Ginang Teresita Ang See na tuloy pa rin ang problemang dulot ng droga sa bansa. Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido na nagdiwang ng ikawalang taong pagkakatatag, sinabi ng nagtatag ng Movement for the Restoration of Peace and Order na higit na lalago ang problema kung hindi madadaluhan ang mga naulila ng mga napaslang na drug pusher.
Ikinalungkot niyang walang malawakang plano ang pamahalaan upang mawakasan na ang salot na dulot ng droga.
Ang mga napaslang na pusher ay nakaiwan ng mga asawa't anak na kung hindi matutulungan ay magpapatuloy sa kanilang illegal na kalakal, dagdag pa ni Gng. Ang See.
Samantala, sinabi naman ni Director Derrick Carreon ng Philippine Drug Enforcement Agency na tuloy ang kanilang kampanya ay nakasugpo na rin sa mga illegal na gawain ng mga sindikato.
Inamin niyang tuloy lamang ang kanilang trabaho at umaasang magtatagumpay din sa tulong ng komunidad.