|
||||||||
|
||
MAGPAPAHIRAM ang Asian Development Bank ng higit sa US$ 7.1 bilyon sa Pilipinas mula 2019 hanggang 2021.
Ito ang napapaloob sa nilagdaang kasunduan ng Pilipinas at ng ADB na sinaksihan nina NEDA Secretary Ernesto Pernia at mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways, Transportation at Interior and Local Government.
Ikinatuwa ni G. Pernia ang kasunduan sapagkat mapalalakas ang mga programang magsusulong sa ejonomiya at magpapalawak ng kaunlaran. Madadali na umano ang matagalang layuning makamtan ang middle-income status at mawawalan ng mahihirap pagsapit ng 2040.
PILIPINAS AT ADB, LUMAGDA SA KASUNDUAN. Makikita sa larawan sina NEDA Secretary Ernesto Pernia (pangalawa mula sa malita) at G. Kelly Bird ng Philippines Country Office ng ADB sa paglagda sa kasunduan hinggil sa US$ 7.1 bilyong pautang mula 2019 hanggang 2021. (ADB Photo)
Two-thirds ng halaga ang magagamit sa "Build, Build, Build" program na aabot sa US$ 4.5 bilyon na maghahatid ng koneksyon sa mga rehiyon, makatutustos sa paglaki ng mga lungsod, pagkakaroon ng mga daang-bakal, mga tulay at lansangan kasabay na ang flood-control projects.
Ang nalalabing one-third ay para sa policy support at social assistance sa larangan ng inclusive finance, capital market development, local government development at youth employment. Tatagal ang kasunduan ng tatlong taon at magkakaron ng pagbabalik-aral sa bawat taon.
Layunin ng ADB na magkatotoo ang mithi ng Pilipinas na mapababa ang bilang ng mahihirap at makamtan ang 14% sa taong 2022 mula sa kasalukuyang 21.6%.
Lumagda para sa ADB si G. Kelly Bird, ang country director ng ADB para sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |