Ang digmaang pangkalakalan laban sa Tsina na inilunsad ng Amerika ay magdudulot ng negatibong epekto sa mga may kinalamang bahay-kalakal at mga karaniwang mamamayang Tsino. Ang resultang ito ay buong linaw na nalalaman ng pamahalaang Tsino, at ito ang dahilan kung bakit nagsikap, noong simula pa, ang Tsina, para iwasan ang pagsiklab ng digmaang pangkalakalan. Pero, inilunsad pa rin ng Amerika ang digmaang pangkalakalan, at ginawa na naman ng pamahalaang Tsino ang paghahanda bilang tugon sa mga idudulot na negatibong epekto.
Kagabi, Lunes, ika-9 ng Hulyo 2018, ipinatalastas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang apat na hakbangin ng pagbabawas ng kapinsalaang dulot ng digmaang pangkalakalan. Ang mga ito ay kinabibilangan ng tuluy-tuloy na pagtasa ng epekto sa mga bahay-kalakal, paggamit ng mga karagdagang taripa mula sa mga produktong Amerika para pahupain ang kahirapan ng mga apektadong bahay-kalakal at kani-kanilang mga manggagawa, pagbibigay-tulong sa mga bahay-kalakal sa pagsasaayos ng estruktura ng pag-aangkat, at ibayo pang pagpapabuti ng kapaligirang pampamumuhunan.
Ang paglaban sa digmaang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika ay may kinalaman sa interes ng Tsina at mga mamamayan nito. Pero, dapat din bawasan sa pinakamaliit ang mga epektong dulot nito. Ito ang pinal na target ng pamahalaang Tsino, batay sa pagsasaalang-alang sa interes ng mga mamamayan.
Sa katotohanan, dahil sa malakas na kabuhayan at malaking pamilihan, puwedeng indahin ng Tsina ang ilang kapinsalaan, at nakahanda rin ang mga mamamayang Tsino, na ibahagi ang kahirapan, kasama ng bansa. Ito ang siyang pinag-uugatan ng kompiyansa ng Tsina, na pagtagumpayan ang digmaang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika.
Salin: Liu Kai