Nakipag-usap Hulyo 10, 2018 sa Nay Pyi Taw si Aung San Su Kyi, State Counsellor ng Myanmar sa delegasyong Tsino na pinamunuan ni Huang Kunming, Puno ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina.
Ipinahayag ni Huang na nananatiling mainam ang tunguhing pangkaunlaran ng bilateral na relasyon at mataas na pagpapalitan ng Tsina at Myanmar. Lumalalim aniya ang pagtitiwalaang pampulitika ng dalawang panig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig, batay sa pagpapatupad ng komong palagay na narating ng dalawang liderato, pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, pagpapatibay ng mapagkaibigang pundasyong pampulitika, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Aung San Su Kyi ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa Myanmar. Aniya, bilang mapagkaibigang katuwang ng Tsina, nakahandang magsikap ang Myanmar, kasama ng Tsina para pahigpitin ang mataas na pagpapalitan, palakasin ang pagpapalitang kultural, pasulungin ang konstruksyon ng economic corridor ng Tsina at Myanmar, at iba pa. Ito aniya'y para ibayong pasulungin ang bilateral na pagtutulungan ng dalawang panig.