Noong ika-3 ng Hulyo, 2018, binuksan dito sa Beijing ang Ika-6 na Pulong na Ministriyal ng Kooperasyon ng Pagpapatupad ng Batas at Seguridad ng Tsina at Myanmar. Magkasanib na pinanguluhan ito nina Zhao Kezhi, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina at Kyaw Swe, Ministro ng mga Suliraning Panloob ng Myanmar.
Ipinahayag ni Zhao na umaasang patuloy na palalalimin ang pragmatikong kooperasyon sa pagpapatupad ng batas at seguridad na may "Diwa ng Mekong River," palalakasin ang kooperasyong panseguridad sa mga proyekto sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at walang humpay na pasusulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Myanmar.
Ipinahayag naman ni Kyaw Swe na nakahanda ang Myanmar na pahigpitin ang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas at seguridad, para magbigay ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
salin:Lele