Ipinahayag Miyerkules, Hulyo 11, 2018, ni Mark Lowcock, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) na namamahala sa mga makataong suliranin, na natamo ng North Korea ang maraming progreso sa larangang makatao, ngunit kinakaharap pa rin nito ang maraming hamon. Kaugnay nito, daragdagan ng UN ang makataong tulong sa bansang ito, aniya pa.
Ani Lowcock, sa kasalukuyan, ang ibinibigay na tulong ng UN sa Hilagang Korea ay kinabibilangan ng paghikayat sa mga kasaping bansa na mag-abuloy ng makataong pondong nagkakahalaga ng 110 milyong dolyares upang mapahupa ang mga problema ng North Korea na tulad ng kakulangan sa ligtas na tubig-maiinom, medisina, at iba pa.
Salin: Li Feng