Ayon sa estadistikang inilabas Biyernes, Hulyo 13, 2018, ng Pambansang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, mula noong Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon, 14.12 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga paninda ng Tsina, na lumaki ng 7.9% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, lumaki ng 4.9% ang pagluluwas, lumago ng 11.5% naman ang pag-aangkat, at lumiit ng 26.7% ang trade surplus.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Bai Ming, Pangalawang Direktor ng Departamento ng Pananaliksik sa Pamilihang Pandaigdig ng Chinese Academy of International Trade and Economic Cooperation, na ang isang serye ng hakbangin sa pagpapalawak ng pagbubukas ay nagbunga ng pagbilis ng paglago ng pag-aangkat. Nang mabanggit ang tunguhin ng pag-aangkat at pagluluwas sa huling hati ng taong ito, sinabi niyang kahit umusbong kamakailan ang proteksyonismong pangkalakalan, mananatiling matatag ang pag-unlad ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina. Aniya, patuloy na pananatilihin ng kanyang bansa ang bilis ng pagbubukas sa labas, at magiging mas malawak ang pinto ng pagbubukas.
Salin: Vera