Ayon sa estadistikang inilabas Biyernes, ika-8 ng Hunyo, 2018, ng Pambansang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang limang buwan ng kasalukuyang taon, 11.6 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga paninda ng Tsina, at ito ay lumaki ng 8.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, 649.8 bilyong RMB ang trade surplus, na lumiit ng 31%.
Ipinalalagay ng mga ekonomista na ito ay nagpapakita ng kapansin-pansing bunga ng mga hakbangin ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas.
Salin: Vera