Mula ika-19 ng Hulyo, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa United Arab Emirates, Senegal, Rwandan at Timog Aprika. Lalahok siya sa ika-10 pagtatagpo ng mga lider ng mga bansang BRICS na kinabibilangan ng Brazil, Rusya, India, Tsina, at Timog Aprika, at pansamantalang pagtigil sa Mauritius, magsasagawa rin siya ng dalaw-pangkaibigan sa bansang ito.
Sa preskon Biyernes, Hulyo 13, 2018, ng Ministring Panlabas ng Tsina tungkol dito, ipinahayag ni Kong Xuanyou, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang gagawing biyaheng ito ay kauna-unahang pagdalaw ni Xi sapul nang muling manungkulan siya bilang pangulo ng bansa. Ito rin aniya ay isang mahalagang aksyong diplomatiko ng Tsina tungo sa mga umuunlad na bansa, sa ilalim ng malaliman at pabagu-bagong kalagayang pandaigdig. Tiyak na makakapagpasulong ito sa pag-unlad ng relasyon sa pagitan ng Tsina at mga kaukulang bansa, at makakapagpalakas ng pagkakaisa't pagtutulungan ng Tsina at mga umuunlad na bansa sa Asya at Aprika. Sa panahon ng pagbibiyahe, mararating ang mas maraming komong palagay bilang paghahanda para sa Beijing Summit ng Porum sa Kooperasyong Sino-Aprikano na idaraos sa Setyembre ng taong ito, dagdag pa ni Kong.
Salin: Vera