Ipinadala Hulyo 15, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Pangulong Mamnoon Hussain ng Pakistan, bilang pakikidalamhati at pakikiramay sa mga biktima at kanilang pamilya sa terotistikong pag-atake na naganap sa bansa.
Ipinahayag ni Pangulong Xi na ang terorismo ay salot sa sangkatauhan. Aniya, tinututulan at kinokondena ng Tsina ang anumang teroristikong aktibidad. Aniya, palaging kinakatigan ng Tsina ang pagsisikap ng pamahalaan ng Pakistan sa pagbibigay-dagok sa terorismo, pangangalaga sa katatagan ng estado, at pangangalaga sa kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan.