Ginawaran Hulyo 15, 2018 ng parangal na "Peace Medal of Honor" ng United Nations (UN) ang peace keeping helicopter group ng Tsina na binubuo ng 140 sundalong Tsino. Ang seremonya ng pagbigay-parangal ay idinaos sa Al-Fashir Camp sa Darfur, Sudan.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Jeremiah Mamabolo, espesyal na kinatawan ng UN sa African Union–United Nations Mission in Darfur(UNAMID)na magaling ang mga sundalong Tsino sa pagpapasulong ng rekonstruksyong pangkapayapaan at pagbibigay ng makataong tulong sa Darfur, at sila ay nagsisilbing huwaran ng peace keeping troops ng UNAMID.
Nang araw ring iyon, binisita niya ang Al-Fashir Camp, kasama ni Chen Wenlong, Pinuno ng mga sundalong Tsino.