|
||||||||
|
||
Isiniwalat sa Beijing Martes, Hulyo 17, 2018, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na noong unang hati ng kasalukuyang taon, nananatiling mabilis ang paglaki ng pag-aangkat at pagluluwas sa ilang bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" at mga bagong-sibol na pamilihan ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa). Samantala, noong unang kuwarter ng taong ito, bunga ng paglaki ng pag-aangkat ng Tsina, umabot sa 13.2% ang contribution rate sa paglaki ng pag-aangkat ng buong daigdig.
Ayon sa datos na inilabas kamakailan ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang hati ng kasalukuyang taon, umabot sa 14.12 trilyong Yuan, RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa. Ito ay mas malaki ng 7.9% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Kabilang dito, 4.9% ang paglaki ng pagluluwas, at 11.5% naman ang paglaki ng pag-aangkat.
Ayon kay Song Xianmao, Pangalawang Puno ng Departamento ng Kalakalang Panlabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na nakikita sa nasabing datos, na napapasulong ng kalakalang panlabas ng Tsina ang pag-ahon ng kabuhayan at kalakalang pandaigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |