Kinatagpo Hulyo 16, 2018 sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Audrey Azoulay, Direktor Heneral ng Organisasyong Pang-edukasyon, Pansiyensiya at Pangkultura ng UN (UNESCO).
Binigyang-diin ni Pangulong Xi na bilang pinakamahalagang intellectual cooperation organization ng daigdig, maaaring gumanap ang UNESCO ng mahalagang papel sa pagtatatag ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan at pagpapasulong ng kaunlarang pandaigdig. Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng UNESCO para bigyan ng ginhawa ang sangkatauhan, lalo na sa pagpapa-unlad ng mga umuunlad na bansa sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Azoulay na kinakatigan ng UNESCO ang pagtatatag ng bukas, inklusibo at multilateral na komunidad ng daigdig sa pamamagitan ng diyalogo. Hinahangaan aniya niya ang pagtutulungan ng UNESCO at Tsina sa usaping ito. Ipinahayag aniya niya ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa UNESCO.