Beijing, Tsina—Ipinahayag Lunes, Hulyo 23, 2018 ni Lu Aihong, Tagapagsalita ng Ministry of Human Resources and Social Security ng Tsina, na noong unang hati ng kasalukuyang taon, nanatiling matatag sa kabuuan ang kalagayan ng hanap-buhay ng Tsina.
Ayon sa estadistika, noong Enero hanggang Hunyo ng taong ito, nadagdagan ng 7.52 milyong katao ang oportunidad sa hanap-buhay sa mga lunsod. Ito'y lumaki ng 170,000 kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Samantala, noong katapusan ng ika-2 kuwarter, 3.83% ang registered unemployment rate sa mga lunsod sa buong bansa, na bumaba ng 0.12% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Ipinahayag ni Lu na noong unang hati ng taong ito, nagpatuloy ang matatag na tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, tungo sa mas magandang direksyon: bagay na malaking nakapagpasulong sa pagpapalawak ng hanap-buhay, at pagpapataas ng kalidad ng hanap-buhay.
Salin: Vera