Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Lunes, ika-16 ng Hulyo 2018, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, lumaki ng 6.8% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa, kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Samantala, ang konsumpsyon ay gumanap ng mas malaking papel, bilang lakas na tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang Tsino. Noong unang hati ng taong ito, umabot sa 78.5% ang contribution rate nito sa paglaki ng GDP.
Sinabi ni Tagapagsalita Mao Shengyong ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika, na dahil sa patuloy na pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, pagbibigay ng bagong lakas na tagapagpasulong sa kabuhayan, at pagpapataas ng episiyensiya at kalidad ng kabuhayan, nanatiling matatag at mabuti ang takbo ng pambansang kabuhayan ng Tsina. Ito aniya ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng Tsina ng de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan.
Salin: Liu Kai