Ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-27 ng Abril 2018, sa Beijing, ni Lu Aihong, Tagapagsalita ng Ministry of Human Resource and Social Security ng Tsina, na noong unang kuwarter ng taong ito, maganda ang kalagayan ng paghahanapbuhay ng bansa.
Ayon sa estadistikang inilabas ng naturang ministri, noong unang kuwarter, 3.3 milyong bagong trabaho ang nilikha sa mga lunsod at bayan ng Tsina. Samantala, ang registered unemployment rate ay 3.89%, at ito ay mas mababa ng 0.08% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Sinabi ni Lu, na ang matatag na paglaki ng kabuhayan ay pangunahing lakas tagapagpasulong sa magandang kalagayan ng paghahanapbuhay noong unang kuwarter. Dagdag niya, masigla rin ang pagbubukas ng bagong negosyo, at ito ay nagdulot ng tuluy-tuloy na pangangailangan sa lakas manggagawa.
Salin: Liu Kai