Dumating Hulyo 23, 2018 si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina sa Pretoria at sinimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa Timog Aprika. Inaasahan aniya ni Xi na sa kanyang pagdalaw, makikipagpalitan kay Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika hinggil sa bilateral na relasyon, Beijing Summit ng Porum ng Kooperasyon ng Tsina at Aprika, at mga isyung pandaigdig at panrehiyon.
Dadalo rin si Xi sa BRICS Summit na idaraos sa Johannesburg, Timog Aprika.
salin:Lele