Idinaos Hulyo 24, 2018, ang seremonya ng pagbubukas ng South Africa-China Scientists High-level Dialogue sa Pretoria, Timog Aprika. Dumalo sina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Cyril Ramaphosa, Pangulo ng Timog Aprika.
Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Xi na ang Tsina at Aprika ay laging isang "community with shared future" na may komong interes ayon sa win-win cooperation. Aniya, idaraos ang Beijing Summit ng Porum ng Kooperasyon ng Tsina at Aprika (FOCAC) sa Setyembre ng taong ito. Ang kooperasyong pansiyensiya ng Tsina at Timog Aprika, at Tsina at Aprika ay magkakaroon ng mahalagang pagkakataon, aniya, dapat itatag ang bagong plataporma para sa magkasamang inobasyon, at palalimin ang pagpapalitan at kooperasyon, lalung-lalo na sa pagitan ng mga batang siyentistang Tsino at Aprikano.
Ipinahayag naman ni Ramaphosa na mabunga ang kooperasyong pansiyensiya ng Timog Aprika at Tsina nitong ilang taong nakalipas. Ang pagdaos ng diyalogong ito ay nagpapakita ng kapasiyahan ng mga pamahalaan ng dalawang panig sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan sa pamamagitan ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, at malaki ang potensiyal ng kooperasyon ng dalawang panig.
salin:Lele