Kaugnay ng insidente ng pagguho ng prinsa sa isang hydropower plant sa Lalawigang Attapeu ng Laos, ipinahayag Miyerkules, Hulyo 25, 2018, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina na magkaloob ng napapanahong suporta't tulong sa relief work. Aniya, mahigpit na nakikipag-ugnayan ang panig Tsino sa panig Lao tungkol dito.
Lunes, Hulyo 23, gumuho ang prinsa sa isang hydropower plant sa Lalawigang Attapeu sa katimugan ng Laos. Ilang katao ang nasawi, ilang daan ang nawawala, at mahigit 6,600 katao naman ang nawalan ng tahanan.
Nagpahayag si Geng ng taos-pusong pangungumusta sa human casualty at kapinsalaan sa ari-arian na dulot ng insidenteng ito. Nakidalamhati rin siya sa mga nasawi. Umaasa aniya siyang maililigtas sa lalong madaling panahon ang mga nawawala, gagaling ang mga nasugatan, at mapapanumbalik ang normal na pamumuhay ng mga apektadong mamamayan sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera