Bukas, Sabado, ika-28 ng Hulyo 2018, sisimulan ang 100-araw na countdown ng kauna-unahang China International Import Expo (CIIE), na idaraos sa Shanghai mula ika-5 hanggang ika-10 ng darating na Nobyembre ng taong ito.
Ayon sa nakatakdang iskedyul, ang kauna-unahang CIIE ay kinabibilangan ng 3 bahagi: isang pandaigdig na porum sa kabuhayan at kalakalan, eksibisyon hinggil sa kalakalan at pamumuhunan sa antas ng estado, at eksibisyon ng mga bahay-kalakal.
Bilang isang mahalagang hakbangin ng Tsina ng pagbubukas sa mas mataas na lebel, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang naturang ekspo. Sa kasalukuyan, maayos na ginagawa ang iba't ibang paghahanda. Inilabas na at ilalabas pa ng mga may kinalamang departamento ng Tsina ang mga hakbangin ng mas mabuting paglilingkod sa mga eksibitor, na gaya ng pagpapasimple ng mga prosidyur ng custom clearance para sa mga eksibit.
Ayon pa rin sa salaysay, hanggang sa kasalukuyan, kinumpirma ng mahigit 130 bansa at rehiyon, at mahigit 2800 bahay-kalakal ang paglahok sa kauna-unahang CIIE. Tinatayang lalampas sa 150 libo ang bilang ng mga mamimili na tatangkilik sa ekspo.
Salin: Liu Kai