Mula Hulyo 19 hanggang 29, 2018, isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa United Arab Emirates (UAE), Senegal, Rwanda, at Timog Aprika, at dumalo sa Ika-10 Pagtatagpo ng mga Lider ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa), at dumalaw sa Mauritius. Ito ang unang pagdalaw ni Pangulong Xi sa taong 2018. Sa okasyon ng pagtatapos ng biyaheng ito, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ito ay isang matagumpay at historikal na biyahe na may napalakas na estratehikong katuturan sa pagitan ng Tsina at mga umuunlad na bansa, at mga bagong-sibol na ekonomiya.
Sa 11 araw na pagdalaw, pumunta si Pangulong Xi sa limang bansa at anim na lugar. Dumalo rin siya sa halos 60 bilateral o multilateral na aktibidad. Ipinahayag ni Wang na ang biyaheng ito ay nakalikha ng bagong situwasyon sa relasyong Tsino at dayuhan, at South-South Cooperation, at napalawak din ng bagong espasyo sa pag-unlad sa loob ng bansa.
Salin: Li Feng