Dumating kahapon, Biyernes, ika-27 ng Hulyo 2018, ng Port Louis, kabisera ng Mauritius, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at sinimulan ang dalaw pangkaibigan sa bansang ito.
Sa paliparan, inihandog ni Punong Ministro Pravind Jugnauth ng Mauritius ang maringal na seremonyang panalubong para kay Pangulong Xi.
Isinagawa ng dalawang lider ang maikling pag-uusap, at ipinahayag nila ang pag-asa sa naka-iskedyul na pormal na pagtatagpo, para talakayin ang relasyon ng dalawang bansa at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.
Salin: Liu Kai