Idinaos kahapon, Biyernes, ika-27 ng Hulyo 2018, sa Johannesburg, Timog Aprika, ang di-pormal na pulong bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng BRICS Summit. Dumalo sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at mga lider ng iba pang 4 na bansa ng BRICS na Timog Aprika, Brazil, Rusya, at Indya.
Binigyan ng mga lider ng positibong pagtasa ang masasaganang bungang natamo sa kooperasyon ng BRICS nitong 10 taong nakalipas. Sinang-ayunan nilang magkakasamang lumikha ng kinabukasang may inklusibong pag-unlad at komong kasaganaan.
Iniharap naman ni Xi ang mga mungkahi para sa ibayo pang pagpapasulong ng kooperasyon ng BRICS sa loob ng darating na 10 taon, na gaya ng pagpapalalim ng estratehikong partnership ng mga bansang BRICS, pagpapayaman ng nilalaman ng kooperasyon ng BRICS, at pagpapalawak ng kooperasyon ng "BRICS plus" na tumutukoy sa mekanismo ng mga bansang BRICS at kanilang mga dialogue partner.
Salin: Liu Kai