Sa isang news briefing na idinaos Sabado, Hulyo 28, 2018, ng pamahalaan ng bayang Sanamsay ng probinsyang Attapeu tungkol sa kalagayan ng disaster relief work, ipinahayag ni Khamliang Outhakaisone, commander in chief ng search at rescue operation sa pook-pinangyarihan ng aksidente ng pagguho ng dam sa Laos, na sa kasalukuyan, natuklasan na ang walong (8) bangkay ng mga nasawi na kinabibilangan ng apat (4) na bata. Samantala, 123 kataong iba pa ang nawawala.
Ayon sa salaysay, umurong na sa kabuuan ang baha, subalit napakahirap pa rin pagbibigay ng saklolo. Ipapadala ng panig Lao ang karagdagang isang daan (100) rescue members para ipagpatuloy ang search at rescue operation sa potikan.
Salin: Li Feng