![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Hulyo 28, 2018, kay Pravind Jugnauth, Punong Ministro ng Mauritius, lubos na pinapurihan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang natamong napakalaking tagumpay ng Mauritius nitong 50 taong nakalipas sapul nang magsarili ito. Hinahangaan din niya ang isinasagawang patakaran ng pamahalaan ng Mauritius sa pakikipagkaibigan sa Tsina. Aniya, nitong 46 na taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Mauritius, walang humpay na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang panig, at mabunga ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan.
Ipinagdiinan ng pangulong Tsino na kapwa umuunlad na bansa ang Tsina at Mauritius, at sa kasalukuyan, kinakaharap ng relasyon ng dalawang bansa ang bagong mahalagang pagkakataon ng pag-unlad. Dapat panatilihin ng dalawang bansa ang tunguhin ng pagdadalawan sa mataas na antas, at palakasin ang pagpapalagayan ng dalawang panig sa mga departamento ng pamahalaan, organong lehislatibo, lugar, at iba pa, aniya. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Mauritius para mapalakas ang kooperasyong South-South, mapalalim ang pagkokoordinahan sa mga suliraning pandaigdig, at magkasamang mapangalagaan ang komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Jugnauth ang pasasalamat sa ibinibigay na pagkatig ng Tsina sa kanyang bansa sa mahabang panahon. Lubos na hinahangaan niya ang natamong napakalaking bunga ng Tsina. Aniya, patuloy at buong tatag na mananangan ang Mauritius sa patakarang isang Tsina, at winiwelkam ang "Belt and Road" Initiative.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |