Tungkol sa plano ni Tsai Ing-wen, lider ng Taiwan na dumalaw sa Paraguay at Belize sa susunod na buwan at pagkatapos ay panandaliang titigil sa Amerika, ipinahayag Hulyo 31, 2018, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na iniharap na ng Tsina ang solemnang representasyon sa Amerika.
Aniya, ang patakarang "Isang Tsina" ay komong palagay ng komunidad ng daigdig. Ang anumang aksyong nagtatangkang lumikha ng "Dalawang Tsina" o "Isang Tsina, Isang Taiwan" ay tiyak na tutulan ng mga mamamayan ng buong bansa, at ito ay hindi rin angkop sa pundamental na interes ng Taiwan, Ani Geng.
Sinabi ni Geng na tinututulan ng Tsina ang umano'y "stopover," at ito ay maliwanag at matatag na paninindigan. Hinimok ni Geng ang Amerika na huwag magpadala ng maling signal sa mga hakbang ng pagsasarili ng Taiwan.
salin:Lele