Martes, Hulyo 31, 2018, sinimulan sa Wuhan, Punong Lunsod ng Lalawigang Hubei ng Tsina, ang konstruksyon ng proyekto ng littoral mission ship (LMS) para sa Malaysia. Ito ang unang pagyari ng Tsina para sa Malaysia.
Ang proyekto ng LMS ng Malaysia ay kinontrata ng Wuchang Shipbuilding Industry Group ng China Shipbuilding Industry Co. noong Abril, 2017. Ito ang kauna-unahang malakihang kooperasyon ng kagamitang militar ng Tsina at Malaysia.
Ayon sa kontrata, ididisenyo at gagawin ng Tsina ang 4 na LMS para sa Royal Malaysian Navy. Gagamitin ang nasabing mga bapor para sa pamamatrolya, paglaban sa terorismo, paghahanap at pagliligtas, at iba't ibang escort mission.
Salin: Vera