Singapore, Huwebes, Agosto2, 2018—Ipinahayag dito ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang paghawak sa alitang pangkalakalan sa pagitan ng mga bansa batay sa batas na panloob, pagresolba sa sariling pagkabahala sa pamamagitan ng unilateral na aksyon, at paglabas sa saligang simulain ng World Trade Organization (WTO) ay salungat sa tunguhin ng panahon. Aniya, sa halip na mararating ang target, ang ganitong kilos ay makakapinsala lamang sa sariling interes.
Winika ito ni Wang sa preskon pagkatapos ng kanyang pagdalo sa China-ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Foreign Ministers' Meeting.
Dagdag pa ni Wang, nakahanda ang Tsina na makipagdiyalogo at makipagsanggunian sa mga bansang umaasang makikipagtalastasan sa Tsina, na kinabibilangan ng Amerika, batay sa paggagalangan at pagkakapantay-pantay.
Salin: Vera