Nakipagtagpo Agosto 1, 2018 sa Kuala Lumpur, Malaysia kay Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina si Mahathir Bin Mohamad, Punong Ministro ng Malaysia.
Ipinahayag ni Mahathir na ang mainam na relasyon ng Tsina at Malaysia ay hindi lamang nakakabuti sa dalawang panig, kundi mainam din sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Umaasa aniya siyang makakadalaw sa Tsina sa lalong madaling panahon at pag-aaral ang mga karanasan ng bansa. Nagpahayag din siya ng pagtatanggap sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa kanyang bansa.
Sinabi naman ni Wang na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Malaysia para sa mas magandang hinaharap. Nananalig aniya ang Tsina na ang paglahok ng Malaysia sa Belt and Road Initiative ay hindi lamang lilikha ng mas malawak na prospek para sa kooperasyon ng Tsina at Malaysia, kundi magbibigay rin ng ambag sa kasaganaan ng Asya.
salin:Lele