Kaugnay ng katatapos na pagdalaw sa Malaysia ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, sinabi Huwebes, Agosto 2, 2018, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang panig Tsino't Malay ay mabisang nag-ugnayan at naghanda para sa gagawing pagdalaw sa Tsina ni Punong Ministro Mahathir bin Mohamad ng Malaysia.
Aniya, sa panahon ng naturang pagdalaw, inulit ng kapuwa panig ang mithiin sa pagpapaunlad ng bilateral na relasyon, at isinagawa ang pag-uugnayan sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road.
Ipinahayag ni Geng na nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Malay, na gawing pagkakataon ang gagawing pagdalaw ni Mahathir at magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, ibayo pang palalimin at palawakin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, walang humpay na likhain ang bagong kinabukasan ng relasyong Sino-Malay, at gumawa ng mas malaking ambag para sa pagpapasulong sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
Salin: Vera