|
||||||||
|
||
Sa isang news briefing na idinaos Sabado, Agosto 4, 2018, sa pamahalaan ng bayang Sanamxay, probinsyang Attapeu, sinabi ng namamahalang tauhan ng departamentong panaklolo sa aksidente ng pagguho ng dam sa Laos, na natuklasan at inilipat pa nang araw ring iyon ng mga rescuer ang apat (4) na bangkay. Hanggang sa ngayon, 30 katao ang kumpirmadong nasawi sa aksidenteng ito.
Ayon kay Phalom Linthong, komander ng puwersang panaklolo ng panig militar ng Laos sa nasabing aksidente, sa kasalukuyan, maayos na isinasagawa ang search at rescue operation. Aniya, dahil sa kakulangan sa modernong kasangkapan, mabagal na tumatakbo ang mga kaukulang gawain.
Ayon naman sa Laos-China Railway Company, binuo na nito ang isang grupo ng ekspertong teknikal, at ipinadala ito sa purok ng kalamidad sa katimugan ng Laos para maisagawa ang pag-imbestiga at pag-aaral sa mga mapanganib na lansangan at tulay. Ipinahayag ng kompanyang ito na puspusan nitong tutulungan ang Laos sa pagtatayo muli ng mga lansangan at tulay sa purok ng kalamidad para makapagbigay ng positibong ambag sa pagpapanumbalik ng normal na produksyon at pamumuhay sa mga apektadong lugar ng Laos.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |