|
||||||||
|
||
Kong Xuanyou, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina
Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas
Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ACC
Idinaos kahapon, Martes, ika-7 ng Nobyembre 2017, sa Beijing ang pagtitipon, bilang pagdiriwang sa ika-6 na anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN-China Centre (ACC).
Dumalo sa pagtitipon sina Kong Xuanyou, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina; Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN; Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ACC; at mga diplomata at kinatawan mula sa mga iba pang bansa ng ASEAN.
Positibo ang mga kalahok sa mga gawain ng ACC para sa pagpapasulong ng relasyon at kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN. Umaasa silang patuloy na patitingkarin ng sentrong ito ang malaking papel sa naturang aspekto.
Bilang inter-gobyernong organisasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN, naitatag noong 2011 sa Bali, Indonesya, ang ASEAN-China Centre, na may punong himpilan sa Beijing. Layon nitong pasulungin ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa limang pangunahing aspekto, na kinabibilangan ng kalakalan, pamumuhunan, edukasyon, kultura, at turismo.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |