|
||||||||
|
||
Makaraang ipatalastas noong Hulyo 6 ang pagpapataw ng 25% taripa sa mga inaangkat na paninda mula sa Tsina na nagkakahalaga ng 34 na bilyong U.S. dollars, noong Agosto 7 (local time), inilabas ng Opisina ng Kinatawang Pangkalakalan ng Amerika ang listahan ng 16 bilyong dolyares na inaangkat na produkto mula sa Tsina na papatawan ng 25% taripa na magkakabisa sa Agosto 23.
Bilang tugon, ipinatalastas kagabi ng Konseho ng Estado o Gabinete ng Tsina ang kasabay na pagpapataw ng 25% taripa sa parehong halaga ng mga produktong Amerikano.
Pahayag ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina
Sinabi ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ginawa ng bansa ang nasabing katugong hakbangin para mapangalagaan ang sariling makatwirang karapatan at multilateral na sistemang pangkalakalan.
Ayon sa panig Amerikano, isa sa dahilan ng paglunsad nito ng "digmaang pangkalakalan" ay protektahan ang pambansang seguridad, tulungan ang industriya ng paggawa ng Amerika na umahon, at lumikha ng mas maraming trabaho para sa mga mamamayang Amerikano. Pero, parang taliwas sa inaasahan ang mga resulta.
Halimbawa, bago ipinatalastas ang nasabing listahan ng 16 bilyong dolyares na produktong Tsino na papatawan ng 25% taripa, idinaos ng Tanggapan ng Kinatawang Pangkalakalan ng Amerika ang pagdinig. 82 kinatawang Amerikano mula sa iba't ibang larangan na gaya ng sektor na kemikal, elektroniks, photovoltaic sector at iba pa. Anim lamang sa kanila ang sumang-ayong magpataw ng taripa, dahil nangangamba ang karamihan sa kanila na ang pagpapataw ng taripa ay mauuwi sa pagtaas ng cost ng mga bahay-kalakal na Amerikano, pagtaas ng unemployment rate, at pagbagsak ng mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal na Amerikano, bagay na makakapinsala sa kabuuang kabuhayan ng Amerika.
Gayunpaman, kataka-takang muling nagpasiya ang pamahalaang Amerikano ng pagpapataw ng taripa.
Ipinatalastas Agosto 6 ng Element Electronics ng Amerika na isasara nito ang pabrika ng TV sa South Carolina pagkaraan ng dalawang buwan dahil tumataas ang cost nito dulot ng ipinataw na taripa sa mga pangunahing piyesa ng TV. Ayon naman sa Peterson Institute for International Economics, kung magpapataw ang Amerika ng 25% taripa sa sasakyang-de-mortor sa buong daigdig, 195,000 Amerikano ang mawawalan ng trabaho sa loob ng isa hanggang tatlong taon, at kung magsasagawa ang ibang bansa ng mga katugong hakbangin, 624,000 trabaho ang babawasan sa Amerika.
Ayon sa survey na ipinalabas ng Federal Reserve Bank of Atlanta, dahil sa pagkabahala sa taripa, 1/5 ng mga bahay-kalakal na Amerikano ang kailangang muling magtasa, magpaliban o magtakwil ng kanilang plano ng pamumuhunan. Anang nasabing bangko, sa kasakuluyan, ang industriya ng paggawa ang pangunahing naaapektuhan ng alitang pangkalakalan ng Amerika at ibang bansa, pero kung lalala ang situwasyan, mas maraming industriya ang maaapektahan.
Salin: Jade
Pulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |