Kaugnay ng bagong desisyon ng Tsina hinggil sa pagdaragdag ng taripa sa halos 60 bilyong Dolyares na panindang Amerikano, ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-3 ng Agosto 2018, ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang paggawa ng panig Tsino ng desisyong ito ay batay sa makatwiran at pagtitimping tayo. Lubos aniyang isinaalang-alang ng panig Tsino ang interes ng mga mamamayan, epekto sa mga bahay-kalakal, pangangalaga sa takbo ng global industrial chain, at iba pang elemento.
Dagdag pa ng tagapagsalita, kung kailan magkakabisa ang naturang desisyon ng panig Tsino ay depende sa aksyon ng panig Amerikano, at inilalaan ng panig Tsino ang karapatang patuloy na ilabas ang mga hakbangin bilang tugon sa pagpapataw ng Amerika ng karagdagang taripa sa mga panindang Tsino.
Salin: Liu Kai