Kung pag-aaralan ang kasaysayan hinggil sa pakikitungo ng Amerika sa mga umano'y na kompetitor nito, matutuklasan natin ang isang kalagayan: kapag nakakaabot ang GDP ng isang bansa sa 60% ng GDP ng Amerika, isinasagawa ng Amerika ang mga hakbangin para pahinain ang bansang ito.
Dalawang kaso ang nagpapatunay nito noong isang siglo. Noong 1970s, ang GDP ng dating Soviet Union ay umabot minsan sa 60% ng GDP ng Amerika. Noong panahong ito, pumasok sa pinakamatinding yugto ang matagal na kompetisyon ng dalawang bansa, at pinalakas ng Amerika ang mga hakbangin laban sa dating Soviet Union, hanggang malansag ang bansang ito. Ang ikalawang kaso ay ang Hapon. Mula noong 1970s hanggang 1990s, tuluy-tuloy na lumaki ang trade surplus ng Hapon laban sa Amerika. Noong 1972, ang GDP ng Hapon ay umakyat sa ikalawang puwesto ng daigdig, at noong 1992 naman, ang GDP nito ay nakaabot sa 60% ng GDP ng Amerika. Sa panahong iyon, para humadlang sa pag-unlad ng Hapon, isinagawa ng Amerika ang maraming hakbangin sa aspekto ng kalakalan at pinansyo. At dahil naman sa mga problema sa sariling kabuhayan, nasadlak ang Hapon sa halos 20 taon ng napakabagal na paglaki ng kabhayan.
Mula sa dalawang kasong ito, maari sabihing ang 60% ng GDP ay isang hudyat na itinakda ng Amerika sa ibang bansa. Kung lalampas dito ang isang bansa, ituturing ito ng Amerika bilang karibal, at isasagawa ng Amerika ang mga hakbangin laban dito, kahit ano ang ideolohiya o sistemang pampulitika ng naturang bansa.
Sa kasalukuyan, ilang taon nang lumampas ang GDP ng Tsina sa 60% ng GDP ng Amerika. Tulad ng kagawian, muling isinasagawa ng Amerika ang mga hakbangin laban sa Tsina, at isa sa mga ito ay paglulunsad ng digmaang pangkalakalan. Pero, may kompiyansa ang Tsina na hindi ulitin ang pangyayari sa Hapon. Dahil, una, nagkakaroon ang Tsina ng malaking panloob na pamilihan ng konsumo at bagong plataporma ng kooperasyong panlabas na gaya ng Belt and Road Initiative; ikalawa, may matatag na sistemang pampulitika at pangmalayuang planong pangkaunlaran ang Tsina; at ikatlo, kumpleto ang sistemang industriyal ng Tsina, at ito ay nasa mahalagang puwesto ng industrial chain at supply chain ng daigdig.
Dahil sa mga elementong ito, matibay at mahirap na maliligalig ang batayan ng pag-unlad ng Tsina. Pagtatagumpayan ng bansa ang iba't ibang hamon at banta, at isasakatuparan ang tuluy-tuloy na pag-unlad.
Salin: Liu Kai