Ipinahayag kamakailan ng media ng Pransya na ang mga kumpanyang Amerikano ay nagiging biktima sa alitang pangkalakalang inilunsad ng Amerika, at ito ay posibleng makasama sa kabuhayan ng bansa.
Ayon sa artikulong inilathala ng pahayagang Les Echos ng Pransya, dahil pinataas ng Amerika ang buwis sa steel and aluminium products mula sa Tsina, tumataas ang material cost ng mga may-kinalamang industriya, lalo na ang auto manufacturing at household electric appliance. Anito, ang mga pangunahing kumpanya sa nasabing mga industriya ay kinabibilangan ng Ford, General Motors, Whirlpool, Coca-Cola, at iba pa.