|
||||||||
|
||
Johannesburg — Idinaos Miyerkules, Hulyo 25, 2018, ang tatlong (3) araw na Ika-10 Pagtatagpo ng mga Lider ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa). Ayon sa pag-analisa ng Reuters nang araw ring iyon, tinukoy nito na noong isang taon, lumampas sa 17 trilyong dolyares ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng limang bansang BRICS. Ito ay mas malaki kung ihahambing sa Unyong Europeo (EU). Dahil sa posibleng magaganap na global trade war na dulot ng tariff action na inilunsad ni US President Donald Trump, tinatayang magtutulungan ang mga lider ng BRICS upang magkakasamang ipagtanggol ang multilateralismo. Kaya, ang maligalig na situwasyong pangkalakalan sa daigdig ay posibleng makakapagpasigla sa organisasyong ito.
Sa harap ng pagkakataon at hamon na dulot ng digital economy, ika-4 na rebolusyong industriyal, at sa kasagsagan ng paglulunsad ng Amerika ng alitang pangkalakalan, ang magkakasamang pagtatanggol sa multilateralismo ay ang buong pagkakaisang pagpiling nagawa ng mga bansang BRICS.
Ipinag-diinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat buong tatag na itayo ng mga bansang BRICS ang bukas na kabuhayang pandaigdig, at dapat ding matinding tutulan ang unilateralismo at proteksyonismo. Layon nitong magkakasamang pasulungin ang pag-unlad ng globalisasyong pangkabuhayan sa mas bukas, win-win situation, inklusibo, at balanseng direksyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |