Ayon sa World Economic Outlook na inilabas noong ika-16 ng Hulyo, 2018, ng International Monetary Fund (IMF) , tinatayang lalaki ng 3.9% ang pandaigdigang kabuhayan mula taong 2018 hanggang 2019, pero, nagbabala rin ang ulat na sa ilalim ng tensyon ng kalakalang pandaigdig, lalaki ang panganib ng pagbaba ng kabuhayang pandaigdig sa short-term at medium-term.
Pinababa ng nasabing ulat ang prospekt ng paglaki ng Eurozone, Hapon, Britanya, Indya, Brazail, at Argentina. Pero, anito, hindi nagbabago ang forecast sa Amerika at Tsina. Ayon sa ulat, ang paglaki ng kabuhayang Tsino ay nasa 6.4% hanggang 6.6% sa taong ito at susunod na taon.
salin:lele