|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na isinapubliko nitong Biyernes, Agosto 10, 2018, ng Kagawaran ng Agrikultura ng Amerika, tinatayang sa kasalukuyang taon, makakalikha ng rekord ang output ng soybean ng bansa. Bukod dito, aabot din sa pinakamataas na lebel sa kasaysayan, ang reserba ng soybean. Ngunit dahil sa palala nang palalang situwasyong pangkalakalan, ikinababahala ng mga magsasakang Amerikano ang paglitaw ng mapangwasak na situwasyon sa agrikultura ng bansa na dulot ng digmaang pangkalakalan.
Ayon sa nasabing datos, sa kasalukuyang taon, lalampas sa 120 milyong tonelada ang output ng soybean ng Amerika. Bukod dito, ang reserba naman nito ng soybean mula taong 2018 hanggang 2019 ay lalaki ng 80% kumpara sa nagdaang taon.
Magugunitang ang Tsina ang pinakamalaking export market ng soybean ng Amerika. Halos 1/3 ng soybean ng Amerika ay iniluluwas sa Tsina bawat taon. Ngunit dahil sa isinasagawang pagpapataw ng taripa ng pamahalaang Amerikano sa maraming bansang kinabibilangan ng Tsina, isinasagawa rin ng Tsina ang katugong hakbangin na kinabibilangan ng pagdaragdag ng taripa sa mga inaaangkat na soybean mula sa Amerika.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |