Idinaos ngayong araw, Lunes, ika-13 ng Agosto 2018, sa Panmunjom ang pag-uusap sa mataas na antas ng Timog at Hilagang Korea.
Ipinasiya ng dalawang panig, na idaraos sa darating na Setyembre sa Pyongyang ang ikatlong summit sa pagitan nina Moon Jae-in, Pangulo ng T.Korea at Kim Jong Un, Lider ng H.Korea. Pero, hindi nila isiniwalat ang konkretong petsa ng summit na ito.
Tinalakay din ng mga delegasyon ng Timog at Hilagang Korea ang hinggil sa kalagayan at plano ng pagpapatupad ng Panmunjom Declaration na narating sa unang summit nina Moon at Kim, na ginanap noong Abril ng taong ito.
Salin: Liu Kai