Inilabas noong ika-9 ng Agosto, 2018 ng Rodong Sinmun, opisiyal na media ng Hilagang Korea o DPRK ang artikulo na nanawagang itigil ang digmaan sa Amerika. Ito ay unang hakbang ng pagsasakatuparan ng kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula, at ito ay angkop sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon. Anito, "Ngayon ay oras na para pumasok sa yugto ng pagkakaroon ng deklarasyon ng pagtigil ng digmaan."
Ayon pa sa pahayag, ang layunin ng pagdaos ng pagtatagpo ng mga lider ng Hilagang Korea at Amerika sa Singapore ay para wakasan ang tensyon sa relasyon ng dalawang panig at pangalagaan ang kapayapaan ng Korean Peninsula at daigdig. Kung ititigil ang militar na komprontasyon sa pamamagitan ng pagpapalabas ng deklarasyon, anito, lilikhain ang mainam na kapaligiran para sa pagtatatag ng pagtitiwalaan.
Ayon sa ulat, nauna rito, pinuna ni Ri Yong Ho, Ministrong Panlabas ng DPRK ang Amerika sa patuloy nitong pagsasagawa ng sangsyon sa kanyang bansa at kawalang reaksyon tungkol sa deklarasyon ng pagtigil ng digmaan.
Salin:Lele