Sochi, Rusya—Nakipagpulong, Agosto 15, 2018, si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya kay Yang Jiechi, dumadalaw na Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Direktor ng Tanggapan ng Sentral na Lupon ng mga Suliraning Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag ni Putin na walang humpay na umuunlad ang relasyon ng Rusya at Tsina ayon sa inaasahang direksyon. Nakahanda rin aniya ang Rusya na ibayo pang pahigpitin ang estratehikong kooperasyon, at palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Samantala, nakatakdang magtapo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Putin sa lalong madaling panahon.
Sinabi naman ni Yang na nakahanda ang Tsina na ipatupad ang mga komong palagay na napagkasunduan ng mga pinuno ng Tsina at Rusya. Umaasa rin aniya siyang mapapanatili ang estratehikong kooperasyon sa mataas na antas, mapapasulong ang pag-unlad ng mas makatarungan at makatuwirang kaayusang pandaigdig, at mapapalawak ang prospek ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin:Lele