|
||||||||
|
||
Tianjin — Magkasamang nanood Biyernes ng gabi, Hunyo 8, 2018, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, sa mapagkaibigang labanan ng ice hockey sa pagitan ng batang koponang Tsino at Ruso.
Sa panahon ng labanang ito, sinabi ni Xi kay Putin na mula sa labanang ito'y nakikita ang pagkakaibigan ng mga kabataan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang panig Tsino na pasulungin kasama ng panig Ruso, ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga sports events na gaya ng ice hockey. Aniya, dapat palakasin ng mga kabataan ng dalawang bansa ang pagpapalitan para ituloy ang pagkakaibigang Sino-Ruso sa hene-henerasyon.
Ipinahayag naman ni Putin na mahusay ang paglalaro ng mga bata ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang magiging bagong tulay ng pagkakaibigang Ruso-Sino ang ice hockey ng kabataan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |