Nag-usap sa telepono, kahapon, Biyernes, ika-15 ng Hunyo 2018, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Sinabi ni Xi, na mabunga ang katatapos na biyahe ni Putin sa Tsina, para sa dalaw-pang-estado at pagdalo sa Shanghai Cooperation Organization Qingdao Summit. Nakahanda aniya ang Tsina, na magsikap kasama ng Rusya, para isakatuparan ang sustenable, matatag, at mataas na lebel na pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa, at ipagtanggol ang kapayapaan, katatagan, pagkakapantay-pantay, at katarungan ng daigdig.
Ipinahayag din ni Xi ang pagbati sa matagumpay na pagbubukas ng 2018 FIFA World Cup Russia.
Ipinahayag naman ni Putin, na matagumpay ang SCO Qingdao Summit. Sinabi rin niyang, sa kanyang dalaw-pang-estado sa Tsina, narating nila ni Xi, ang komong palagay hinggil sa ibayo pang pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai