|
||||||||
|
||
Manila—Binuksan dito Huwebes, ika-16 ng Agosto, ang Ika-14 na Machinery and Electronic Brand Show na magkasamang itinaguyod ng Trade Development Bureau ng Ministri ng Komersyo ng Tsina at China Chamber of Commerce for Import and Export of Machinery and Electronic Products. Ang pagtatanghal na ito ay tatagal hanggang sa ika-18 ng buwang ito.
Lumahok sa pagtatanghal na ito ang halos 70 bahay-kalakal ng Tsina na galing sa mga lalawigan na gaya ng Shandong, Fujian, at Zhejiang, para ipakita ang pinakabagong bunga ng Tsina sa larangan ng machinery at electronic products.
Ayon sa pahayag, ang mga produktong Tsino sa nasabing pagtatanghal ay may kinalaman sa mga larangan na gaya ng industrial automation, automotive industry at household appliance.
Isang panauhing Pilipino ang sumusubok sumakay sa isang sasakyang itinatanghal
Mga produktong Tsino na nakatanghal sa Manila
Salamat sa pagpapanumbalik ng mainam na landas ng relasyong Sino-Pilipino sapul noong 2016, aktibong isinagawa ng Tsina at Pilipinas ang mga kooperasyon sa negosyo at komersyo, at ang nasabing pagtatanghal ay magkahiwalay na idinaos sa Manila noong 2016 at 2017, para pasulungin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mga may kinalamang larangan at makinabang ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Sulat: Ernest Wang
Larawan: Sissi Wang
Pulido: Mac/Jade
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |